25,000 na tauhan ng coast guard, ipapakalat sa buong bansa ngayong Kapaskuhan

Nasa 25,000 tauhan ang ipapakalat ng Philippine Coast Guard (PCG) sa buong bansa ngayong holiday season.

Ito’y para matiyak ang seguridad ng mga babiyahe para sa darating na Kapaskuhan.

Sa ambush interview kanina, sinabi ni PCG Commandant, Admiral Artemio Abu, na nakatakda na ring isailalim sa full heightened alert ang mga PCG personnel.


Bukod sa mga seaports, kasama rin sa babantayan ng coast guard ang mga paliparan at terminal ng bus.

Samantala, pinaalalahanan naman ni Abu ang mga ship owners na tiyaking maayos at ligtas ang kanilang mga barko para sa mga biyahero.

Facebook Comments