Proposed 2023 budget, inaprubahan na sa bicameral conference commitee

Inaprubahan na ng bicameral conferece commitee ang panukalang 2023 national budget na nagkakahalaga ng P5.268 trillion.

Ang bicam report hinggil dito ay nilagdaan na ng mga kinatawan mula sa Mataas at Mababang Kapulungan na pinamumunuan Senate Finance Committee Chairman Senator Sonny Angara at House Appropriations Committee Chairman Elizaldy Co.

Pinanatili ng bicam sa ilalim ng 2023 budget ang P150 million na confidential fund ng Department of Education (DepEd) at ang P10 billion na pondo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).


Facebook Comments