Manila, Philippines – Tiniyak ng pamunuan ng Department of Agriculture na magbibigay ng suporta ang pamahalaan sa mga magsasaka at poultry owner na namatayan ng mga manok at itik.
Ang pahayag ay ginawa matapos kumpirmahin ni Agriculture Secretary Manny Piñol na mayroon ng Avian Influenza sa San Luis Pampanga.
Ayon kay Piñol babayaran ng gobyerno sa mga magsasaka at poultry owner ng 80 pesos bawat manok na napapatay at 25 libong piso, 20 libong piso mula sa loan assistance 5 libong piso ay grant at babayaran ng 2 taon ng walang interes. habang ang mga personnel naman ay agad na isasailalim sa immunization ng DA.
Anya magbibitiw siya sa pwesto at hindi papayag na kumalat sa Visayas at Mindanao ang Avian Influenza Virus kung saan naglaan ng 50 milyon piso pondo ang DA para sa assistance sa mga namamatay na manok.
Sinabi naman ni Dr. Arlene Vytiaco na 4 na laboratory tests ang pinagdaanan ng mga infected na manok bago ito nakumpirma na may Avian Flu.
Umapela naman si Piñol sa mga nagpapakalat ng mga maling impormasyon hinggil sa pagkalat ng Avian Flu.
Pakiusap na ni Piñol tigilan na ang pagbibigay ng maling komento at hayaan na lang ang mga eksperto na magresolba nito.
Ang mga apektado naman na mga raisers ay pagkakalooban ng calamity aid at financial aid ng DA.
Maliban dito, pinagpaplanuhan na rin ng ahensya na bigyan sila ng livelihood program.