25,000 vaccinator, sinasanay na para sa pagtuturok ng bakuna kontra COVID-19

Aabot sa 25,000 vaccinators ang sinasanay na ng pamahalaan na magtuturok ng bakuna kontra COVID-19.

Ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., at Chief Implementer din ng COVID-19 response sa bansa, bahagi ito ng paghahanda sa rollout ng vaccination.

Sa nasabing training, ang mga vaccinators ay dadalo sa mga lectures at ang rehearsal sa pagbabakuna ay ang kanilang “practical exercise.”


Sa ngayon, isinasaayos na ng Local Government Units (LGUs) lalo na sa National Capital Region (NCR) ang listahan ng mga lalahok sa pagbabakuna.

Matatandaang sa Pebrero inaasahang mababakunahan na ang nasa 50,000 Pinoy.

Habang target naman ng Pilipinas na mabakunahan ang 50 hanggang 70 milyong Pinoy ngayong 2021.

Facebook Comments