Nagkasundo ang Metro Manila mayors na ipagpatuloy ang 250,000 indibidwal na mababakunahan kada araw kasunod ng pasasailalim sa dalawang linggong Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority Chairman Benhur Abalos Jr., inihahanda na rin ng mga alkalde sa NCR ang listahan ng mga mabibigyan ng pinansyal na tulong gayundin ang ipapatupad na border controls.
Aniya, ang mga mabibigyan ng pinansyal na tulong ay ang mga kwalipikadong benepisyaryo at sisiguraduhin nilang maipapatupad ang minimum health protocols sa pamamahagi nito.
Sinabi naman ni Abalos na pinag-aaralan pa ng mga alkalkde ang pagpapatupad ng liquor ban pero posible silang magpatupad ng uniform guidelines para dito.
Una nang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na isasailalim ang Metro Manila sa ECQ mula August 6 hanggang 20.