Ilang dam sa bansa, patuloy na nagpapakawala ng tubig dahil sa nararanasang pag-ulan

62

Patuloy na nagpapakawala ng tubig ang Ipo, Ambuklao at Binga dam dahil sa patuloy na nararansang pag-ulan bunsod ng southwest monsoon o hanging habagat.

Bukas ng 0.15 meters ang gate ng Ipo Dam sa Bulacan na nasa 100.70 meters na ang water level at malapit nang maabot ang 101-meter normal high water level.


Bukas naman ng dalawang metro ang apat na gate ng Ambuklao Dam sa Benguet.

Nasa 751.26 ang water level sa Ambuklao at malapit nang maabot ang 752-meter normal high water level.

Bukas din ng 2 meters ang apat na gate ng Binga Dam sa Benguet.

Nasa 574.46 meters ang water level ng Binga Dam at malapit nang maabot ang 575-meter normal high water level.



Facebook Comments