Aprubado na ng Asian Development Bank (ADB) ang 26.5 milyong dolyar o katumbas ng 1.3 bilyong pisong utang ng Pilipinas para tumulong sa mga Local Government Units (LGUs) sa pagtanggap sa digital tools para palakasin ang kita nito.
Ayon kay ADB Senior Public Management Specialist for Southeast Asia Robert Boothe, nakalaan ang mga pondong ito sa real property tax valuation at koleksyon para sa transparent at accurate reporting, pag-update sa tax maps at property valuation assessments.
Suportado rin ng ADB ang ginagawang hakbang ng bansa na layong pagbutihin ang pagpapabilis sa financial management at service delivery ng LGUs mula pa noong 2006.
Facebook Comments