26 Anyos na Estudyante Arestado

Bambang, Nueva Viscaya – Timbog ang isang nasa drug watch list matapos ang matagumpay na drug buy bust operation.

Sa nakalap na impormasyon ng RMN Cauayan News Team mula sa PDEA Region 2, ang ikinasang operasyon ng PDEA kasama ang mga elemento ng MDEU Bambang PS, PDEU, NVPPO at RDEU PRO2 ay nagresulta sa pagkaaresto ni Kalikasan Bangunan y Pineda, 26 anyos, walang asawa, estudyante at residente ng Bambang Nueva Viscaya.

Ang kunwaring pagbili ng droga ay isinagawa sa Methodist Street, Banggot, Bambang, Nueva Vizcaya noong Setyembre 7, 2017 kung saan ay nakumpiska mula sa suspek ang isang (1) piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.


Nahaharap ngayon si Bangunan ng sa kaso sa paglabag sa Section 5 ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments