26-anyos na Lalaki, Nahaharap sa Patong-patong na kaso

25

Cauayan City, Isabela- Arestado ang Top 1 Most Wanted Person sa Isabela matapos masakote sa Brgy. Pisang, San Manuel, Isabela kahapon ng umaga, May. 9, 2021.

Kinilala ang suspek na si Mark John Rendon, 26-anyos at residente sa nabanggit na lugar.


Inaresto ang suspek ng pinagsanib na pwersa ng mga tauhan ng San Manuel Police Station, Isabela Police Provincial Office at Pasay City Police Station, National Capital Region Police Office.

Si Rendon ay nahaharap sa dalawang kaso ng Estafa at kabuuang 11 counts at may inirekomendang piyansang nasa kabuuang P184,000.

Kakaharapin rin ng suspek ang kasong Syndicated Illegal Recruitment at paglabag sa Migrant Workers and Overseas Filipino Act of 1995.

Nasa pangangalaga ngayon ng PNP San Manuel ang suspek bago ipasakamay sa kanyang cour of origin.



Facebook Comments