Chairman at may-ari ng Gubat sa Ciudad resort, kakasuhan ng PNP

132

Pinag-aaralan na ng Philippine National Police (PNP) ang ihahaing kaso laban sa chairman ng Barangay Bagumbong sa Caloocan City at sa may-ari ng Gubat sa Ciudad resort.


Ayon kay PNP Chief Police General Guillermo Eleazar, nagpabaya ang mga ito sa pagpapasok ng tao ng Gubat sa Ciudad resort nitong Linggo.

Maliban dito, pinag-aaralan na din aniya kung magsasampa sila ng kaso sa mga nagpunta noong Linggo sa resort upang mag-swimming.

Giit ni Eleazar, dapat magsilbing babala ito sa lahat lalo na sa mga may-ari ng mga establisyemento gayundin sa mga opisyal ng barangay.

Facebook Comments