Panghimagas – Tinaguriang pixel art wizard ang isang 26-anyos na pilipino na si Kel Cruz dahil sa kaniyang mga likha na pixelated portraits gamit ang mga simpleng bagay gaya ng scotch tape, posporo at maging sarili niyang finger print.
Sumikat ang pinoy artist sa mga social media sites gaya ng Facebook at instagram na naging daan upang makilala siya at maitampok sa iba’t ibang programa dito sa Pilipinas gaya ng aha at ibilib sa GMA 7.
Si Kel Cruz ay kayang gumawa ng 4 by 5 feet artwork sa loob ng 2 hanggang 3 araw habang ang kaniyang pinakamalaking portrait na nalikha ay sumusukat naman ng 16 by 9 feet.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558
Facebook Comments