
Arestado ang isang 26-anyos na security guard matapos makumpiskahan ng tinatayang 15 gramo ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Sual, Pangasinan noong umaga ng Marso 24, 2026.
Ayon sa ulat, sa isinagawang operasyon ng Sual Municipal Police Station, sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-RO1), naaresto ang 26-anyos na lalaking residente ng Labrador, Pangasinan.
Nasamsam mula sa suspek ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 15 gramo at tinatayang halaga na ₱102,000.
Bukod dito, narekober din ang ginamit bilang buy-bust money at sampung piraso ng ₱1,000 boodle money.
Kabilang pa sa mga nakumpiskang ebidensya ang ilang personal na gamit, walong piraso ng live ammunition ng caliber 9mm at iba pang pinaniniwalaang may kinalaman sa ilegal na droga.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, partikular sa illegal sale at possession ng ipinagbabawal na gamot. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










