Cauayan City, Isabela- Tuluyan nang idineklarang ‘drug cleared’ ng Barangay Drug Clearing Program-Regional Oversight Committee ng ang dalawampu’t anim (26) na barangay sa tatlong bayan sa probinsya ng Cagayan.
Binubuo ng nasabing komite na kinabibilangan ng Police Regional Office 2, Philippine Drug Enforcement Agency-Regional Office 2, Department of Health-Regional Office 2 at ang Department of Interior of Local Government-Regional Office 2.
Sa datos ng PDEA Region 2, kinabibilangan ito ng mga barangay Asinag Via, Taguing, Taguntungan, at Taytay ng Baggao; barangay Minanga Sur ng Iguig; gayundin ang mga barangay ng Aguiguican, Baraoidan, Capiddigan, Capissayan Sur, Centro Norte (Poblacion), Cumao, Guising, Nabaccayan, Nagatutuan, Nassiping, Newagac, Palagao Sur, Piña Este, Piña Weste, San Vicente, T. Elizaga (Mabirbira), Tagumpay, Tanglagan, at Tabungan Este habang San Carlos at Abra ng Gattaran na pinagkalooban pansamantala ng provisionally drug cleared.
Hinimok naman ni PDEA Region 2 Regional Director Joel Plaza ang lahat ng pulisya, local chief executives at ang komunidad na magtulungan sa misyon ng pamahalaan na maideklarang ‘drug cleared’ ang lahat ng barangay sa probinsya.
Dagdag pa dito, ginawaran naman ng oversight committee sa dalawampu’t apat (24) na barangay ang mga plaque na nagpapatunay sa kawalan na ng presensya ng iligal na droga sa kani-kanilang barangay habang sertipikasyon naman ang ibinigay sa dalawang barangay hanggang hindi pa umano nakukumpleto ang kanilang mga dokumento.
Nangako naman si Cagayan Provincial Director PCol. Ariel Quilang na ipagpapatuloy nila ang laban sa iligal na droga para mapanatili ang kapayapaan sa probinsya.