26 Belgian retirees, patay matapos bisitahin ng isang volunteer Santa Claus na positibo sa COVID-19

Hindi bababa sa 26 na Belgian retirees sa isang home care ang namatay matapos bisitahin ng isang volunteer Santa Claus na nagpositibo sa COVID-19.

Ayon sa isang Flemish health official, wala pang kumpirmasyon kung ang naturang Santa ang nagdala ng nakakahawang sakit kung saan nasa 85 pang Belgian retirees at 40 staff pa ang nagpositibo.

Sa ngayon, hinihintay nalang ang pagsasagawa ng imbestigasyon sakaling may magsampa na ng reklamo makaraang dumalaw ang nasabing santa para magbigay ng regalo.


Facebook Comments