26 Dating Rebelde, Nakatanggap ng Tulong Pinansyal

Cauayan City, Isabela- Iginawad na ang tulong pinansyal sa dalawampu’t anim (26) na mga dating miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Bontoc, Mountain Province.

Sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program o ECLIP, naibigay sa mga sumukong miyembro ng rebeldeng grupo (CPP-NPA) ang kanilang tig-20,000 pesos sa tulong ng Sustainable Livelihood Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ng Task Force to End Local Communist Armed Conflict.

Ang nasabing halaga ng pera ay nakalaan para sa pagpapatayo ng negosyo’t pangkabuhayan ng mga naturang benepisyaryo na iginawad mismo ni DSWD USec. Rene Glenn O. Paje kasama ang Provincial Government ng Mt. Province sa pangunguna ni Gov. Bonfacio Lacwasan at ng 503rd Infantry Brigade ng 5th Infantry Division na pinamumunuan naman ni BGen. Henry Doyaoen.


Ayon kay BGen Laurence E Mina, Commander ng 5ID, Philippine Army, nakahanda ang pamahalaan upang tulongan ang mga kapatid na nalinlang ng CPP-NPA sa pamamagitan ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP ng pamahalaan.

Samantala, nakatakda rin n a mabigyan ng nasabing tulong ang ilan pang mga dating miyembero ng NPA.

Facebook Comments