26 Huli Granada At Baril Narekober Sa Drug Operation Sa South Cotabato

Arestado ang 26 katao sa inilunsad na “One Time Bigtime” drug operation sa lalawigan ng South Cotabato.

Ang operasyon inilunsad ng pinagsanib na puwersa ng NBI 12, PDEA 12, South Cotabato Provincial Police Office, HPG 12, at mga municipal police station ng Banga, Surallah, Sto. Niño, Norala at Polomolok.

Nasa 18 ang nahuli sa Purok Love Birds, Barangay Ambalgan, Sto. Niño kabilang na ang isang may warrant of arrest sa ilegal na droga at isang nahulihan ng baril.


Kinilala ang mga nadakip na sina Melvin Katipunan Palomo, 33; Jessie Sadico Manero; Art Fulgar Lustina, 23; Jake Panalangin Pendatun, 36; Coren Kansay Bacat, 38; Jeffrey Sulgandang, 18; Dondon Amonan Tiago, 19; Kalid Ontong Ladialap, 25; Mama Lumanggal Makalumba, 46; Arison Mamantal Mamaluba, 23; Jomar Edsil Lampa, 36; Titing Daungan Mangkot, 48; Alvin Villaroel Fontanilla, 22; Reniel Piedad Nograles, 30; Daniel Mangkot, 23; Datu Mangiluda Makalumba, 18; Musa Batingkay Mangkot, 47; at Sali Bungad.

Inihayag ni Police Senior Inspector Bernie Faldas, hepe ng Sto. Niño PNP, nahuli ang mga ito sa isinagawang search operation sa isang compound sa naturang lugar.

Narekober dito ang labing tatlong iba’t-ibang laki ng supot na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu, mga motorsiklo at mga drug paraphernalias.

Kabilang sa mga nahuli si Mama Lumanggal Mamaluba na may kaso sa ilegal na droga habang nakuhanan naman ng 9mm pistol si Arison Mamantal Mamaluba. Isang granada naman ang nakuha kay Bungad.

Nakakulong na sa lock-up cell ng Sto. Niño PNP ang mga naaresto.

Samantala, huli rin sa hiwalay na operasyon ang kinilalang si Joe Marquez Antonio, 30, residente ng Lambayong, Sultan Kudarat at apat na mga menor de edad sa Barangay San Vicente, Banga, South Cotabato.

Nakuha sa mga ito ang anim na maliliit na supot ng pinaniniwalaang shabu. Isa naman ang nahuli sa bayan ng Surallah na kinilalang si Roder Roxas, residente ng Barangay Liwanay, Banga na nakuhanan ng tatlong supot ng shabu at mga drug paraphernalias.

Facebook Comments