Nasa Alert Level 2 status pa rin ang 26 na lugar sa bansa dahil sa COVID-19.
Ayon sa Department of Health (DOH), ang mga ito ay dati nang nasa Alert Level 2 mula pa noong Hunyo ng nakaraang taon at pinalawig lamang hanggang katapusan ng Abril.
Paglilinaw naman ng kagawaran, nasa Alert Level 2 ang mga ito hindi dahil sa mataas na kaso ng COVID-19 kundi dahil hindi pa naaabot ang target na 70 percent ng populasyon na bakunado kontra sa virus.
Sabi pa ng DOH, mula nang pumasok ang taon ay walang lalawigan o siyudad na itinaas ang Alert Level.
Ang mga lugar na nasa Alert Level 2 ay ang Benguet, Ifugao, Quezon Province, Palawan, Camarines Norte, Masbate, Antique, Negros Occidental, Bohol, Cebu Province, Negros Oriental, Leyte, Western Samar, Lanao del Norte, Davao de Oro, Davao del Norte, Davao del Sur, Davao Occidental, North Cotabato, Sarangani, Sultan Kudarat, Dinagat Islands, Basilan, Maguindanao, Sulu, at Tawi-tawi.