Mataas na opisyal ng NPA, patay matapos makaengkwentro ng militar

Napatay ang isang mataas na opisyal ng New People’s Army matapos makabakbakan ng tropa ng militar sa bayan ng Binalbagan sa Negros Occidental.

Kinilala ang napatay na suspek na si Rogelio Posadas alyas Poten, secretary ng regional committee ng NPA.

Nabatid na nakaengkwentro ng grupo ni alyas Poten ang pwersa ng 62nd at 94th infantry battalion ng Philippine Army sa Sitio Cabite, Brgy. Santol, Binalbagan Negros Occidental.


Sa ngayon, nagpapatuloy ang hot pursuit operations ng militar sa mga kasama ng napatay na lider ng NPA.

Facebook Comments