26 patay sa pagtaob ng tatlong bangka sa Iloilo-Guimaras strait

Umakyat na sa dalawamput’ anim (26) ang bilang ng nasawi sa pagtaob ng tatlong bangka sa Iloilo-Guimaras strait dahil sa masamang panahon kahapon (sabado).

 

Ayon sa Iloilo City Disaster Risk Reduction and Management Office, bandang tanghali kahapon ng tumaob ang bangka ng M/B Chichi at M/B Keshia na galing sa Iloilo at papuntang Guimaras.

 

Pasado alas tres naman ng hapon ng lumubog ang isa pang bangka na M/B Jenny Vince na patungong Iloilo mula sa Guimaras.


 

Walumput’ anim (86) ang lahat ng pasahero at crew ng tatlong bangka.

 

Unang narekober ang labing isang (11) bangkay kahapon at sa search and rescue operations kanina labing limang (15) bangkay pa ang narekober.

 

Lima (5) pa ang hinahanap habang limamput’ lima (55) ang nakaligtas.

 

Labing tatlo (13) sa mga nasawi ay kinilala na ng kanilang pamilya.

 

Facebook Comments