260 OFWs mula Dubai dumating na sa Clark International Airport

89

Dumating na sa Clark International Airport ang 260 Overseas Filipino Workers (OFWs) mula Dubai.

Isasailalim ang mga OFW sa RT-PCR swab testing gayundin ang lima pang non-OFW.


Mananatili sila sa quarantine facilities na inihanda sa loob ng Clark Freeport habang hinihintay ang resulta ng kanilang swab test.

Ito ang unang batch ng mga manggagawang umuwi sa bansa matapos ma-stranded dahil sa lockdown.

Bukas ay inaasahan naman ang pagdating ng nasa 300 repatriates mula sa Carribean.

Facebook Comments