Mag-asawang Pinoy nasugatan sa landslide sa Hong Kong, nananatili pa rin sa ospital

 

Kinumpirma ni Migrant Workers Sec. Hans Leo Cacdac na hindi pa rin nakakalabas ng ospital ang mag-asawang Pinoy na nasugatan sa landslide sa Hong Kong.

Ayon kay Cacdac, hindi pa nila masabi kung kailan makakauwi ng Pilipinas ang mag-asawang Pinoy.

Kapwa kasi sila sumailalim sa operasyon ang dalawa matapos na magtamo ang Pinay ng head injury habang nagtamo naman ng leg injury ang mister nitong Pinoy.


Tiniyak naman ni Department of Migrant Workers (DMW) na tumutulong sa gastusin sa ospital ang employer ng Overseas Filipino Workers (OFWS).

Facebook Comments