260 pamilyang nasunugan sa Barangay Culiat at Tatalon, tuloy-tuloy na tinutulungan ng QC-LGU

PHOTO: QC Mayor Joy Belmonte/Facebook

Personal na dinalaw ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang mga nasunugan sa Barangay Culiat at Tatalon para tiyaking makapagsimula ang mga ito sa kanilang kabuhayan.

Nasa 250 na pamilyang nasunugan ang nananatili sa evacuation center ang patuloy na tinutulungan ng local government unit (LGU).

Nasa 125 na pamilya sa Barangay Culiat ang nabigyan na ng financial assistance bukod pa sa ipinagkaloob na relief goods at material assistance.


Nakahanda rin ang mga bagong set ng school supplies na ipagkakaloob sa mga estudyanteng natupok ang kagamitan dahil sa trahedya.

Habang ang 135 pamilyang nasunugan sa Barangay Tatalon ay nakatanggap na rin ng tulong pinansyal.

Bawat house owner ay pinagkalooban ng tig ₱10,000 habang ₱5,000 naman para sa mga renter o sharer bukod pa dito ang material assistance at relief goods.

Facebook Comments