26,000 Job Openings, alok ng DOLE sa mga OFW na nawalan ng trabaho ngayong pandemya

Aabot sa higit 26,000 na trabaho sa Information Technology (IT) at Business Process Outsourcing (BPO) ang alok ng Department of Labor and Employment (DOLE) para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay Labor Assistant Secretary Dominique Tutay, kabilang sa mga alok na trabaho ay mula sa customer service, technical support, IT support, IT developers at consultants.

Bukod dito, naghahanap din ng mga manggagawang mayroong bagong skills para sa manufacturing companies.


Hinimok ng kagawaran ang mga OFWs na matuto ng mga bagong skills sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) o sa pamamagitan ng online skills training mula sa pribadong sektor.

Facebook Comments