263, Huli sa Traffic Law Enforcement Operation

Cauayan City, Isabela – Umabot sa 263 na motorista ang nahuli sa isinagawang dalawang araw na traffic law enforcement initiative ng mga otoridad.

Sa panayam ng RMN News Team kay Ginoong Deo Salud ang OIC ng LTO Cauayan Field Office, kanyang ibinahagi na sa isinagawa nilang dalawang araw na insyatiba ay pangunahing natukoy na mga paglabag ay ang pagmamaneho ng walang lisensiya, pagmomotor nang di naka helmet at pagmamaneho ng walang OR at CR ng sasakyan.

Kasama ng LTO Cauayan na nagsagawa ng operasyon ay ang mga deputized na kasapi ng PNP Cauayan, PNP RRO2, Traffic Management Group, Highway Patrol Group at LTO Region 2.


Pangunahin sa kanilang ipinatupad ay ang Executive Oder No. 18 ni Governor Bojie Dy. Magpagayunpaman, kung mayroon ding paglabag ang mga motorista sa mga pambansang batas trapiko ay kanila ding tiniketan.

Ang naturang malawakang paninita ay kanilang isinagawa nitong Setyembre 26 at 27, 2017.

Facebook Comments