Pumalo na sa 26, 657 na mga baril at armas sa Ilocos Region ang paso ang lisensya, ayon sa Regional Civil Security Unit 1.
Sa nasabing bilang pinakamarami dito ay nasa Pangasinan na nasa 14, 317, sinusundan ng Ilocos Sur na mayroong 4, 650, Ilocos Norte na nasa 3,948 at sa La Union na nakapagtala ng 3, 742.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay PLTCOL. Regina Abanales, maari pang bumaba ang nabanggit na bilang dahil patuloy ang kanilang isinasagawang License to Own and Possess Firearms o LTOPF Caravan sa iba’t-ibang munisipalidad at siyudad kung saan mas mapapadali na ang application at renewal.
Mayroon din aniyang isinasagawang one stop shop caravan sa Camp Diego Silang sa La Union tuwing Martes at Huwebes.
Nakatakda namang dalhin ang LTOPF Caravan sa July 6-7 sa San Juan Ilocos Sur, July 14-15 sa Lungsod ng Urdaneta sa Pangasinan at July 20-21 sa Bantay Ilocos Sur.
Umaabot sa 150-200 indibidwal ang nasiserbisyuhan ng nasabing aktibidad na malaking tulong para sa publiko dahil inilalapit na ang serbisyo ng RCSU 1.
Patuloy din ang pagpapadala ng notice ng pulisya sa mga indibidwal na humahawak ng baril na paso ang lisensya upang paalalahanan ang mga ito na irenew na ang kanilang license sa ilalim ng Accounting and Disposition of Firearm registration maging ang pinaigting na Oplan katok. |ifmnews
Facebook Comments