TAX DECLARATION NG ASSESSORS OFFICE NG BAYAMBANG NAGPAPATULOY

19
Tuloy tuloy ang Assessor’s Office sa pag-iissue ng tax declaration para sa mga bagong naitayong istruktura, mapa-residential man o commercial building.
Nag-ikot ngayon ang grupo sa Barangay Sapang ng bayan.
Ipinapaalam ng Assessor’s team sa mga kababayan na kailangan nilang magbayad ng amilyar ayon sa batas, hindi lang para sa mga commercial building, kundi pati na rin mga residential building (with exceptions), dahil sa real estate tax nanggagaling ang kita o revenue ng Munisipyo upang may pangtustos sa lahat ng development projects ng lokal na pamahalaan.

Sa ganitong paraan, ang bawat residente ay may ambag sa pamamahala at pagpapaunlad ng bayan. | ifmnews
Facebook Comments