27-anyos na call center agent, natagpuang patay sa loob ng motel; suspek dati niyang nobyo

5027
The dead woman's body. Focus on hand

Natagpuang patay ang isang babaeng call center agent sa kuwarto ng isang motel sa Barangay Canlalay, Biñan City, Laguna nitong Miyerkoles ng madaling araw.


Kinilala ang biktima na si Maria Crisanta Magadia, 27 taong gulang, naninirahan sa San Pedro, Laguna.

Itinuturing suspek sa karumal-dumal na krimen ang dating nobyo ng biktima na si Rusco Alve, residente ng Brgy. Canumay West, Valenzuela City.

Sa kuha ng closed-circuit television (CCTV) camera ng establisimyento, nag-check in ang dalawa, na parehong lulan ng motorsiklo, dakong alas-6:10 ng gabi noong Martes.

Kinalaunan ay nakita ang salarin na mag-isang lumabas ng motel at may bitbit na shoulder bag na pinaghihinalaang pag-aari ng biktima.

Nang silipin ng room attendant ang kuwarto, doon na bumungad ang bangkay ni Magadia nakapulupot ang leeg sa kumot na nagawa pang isabit sa pintuan.

Lumabas sa imbestigasyon na mayroon palang asawa si Alve habang nakikipagrelasyon sa pinatay na dalaga.




Napag-alaman ding ni-recruit mismo ng akusado ang biktima sa pinapasukang BPO company.

Kaagad daw nilisan ng salarin ang tinutuluyan niyang bahay at nag-deactivate na rin ng kaniyang Facebook account.

Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na ang kinauukulan sa maybahay ng suspek para sa mabilisang paglutas ng kaso.

Facebook Comments