Resulta ng isinagawang imbestigasyon sa PhilHealth, ilalabas na ng PACC sa lalong madaling panahon

Ilalabas na ng Presidential Anti-Crime Commission (PACC) sa lalong madaling panahon ang resulta ng kanilang isinagawang imbestigasyon sa State Insurance Agency na PhilHealth.

Ayon kay PACC Commissioner Greco Belgica, alinsunod na rin ito sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Iginiit naman ni Belgica na dapat ilabas ng PhilHealth ang liquidation ng kanilang cash advantage dahil karapatan ito ng kanilang mga miyembro.


Dumistansiya naman ang PACC sa mga panawagang dapat na magbitiw ang Pangulo at CEO ng PhilHealth na si Ricardo Morales.

Facebook Comments