27-anyos na lalaki, arestado sa pamemeke ng health certificate, travel authority

960
COURTESY SAN PEDRO POLICE STATION

Arestado sa entrapment operation sa Davao City ang isang computer technician na namemeke umano ng travel authority at health certificate.


Kinilala ang suspek na si Lolito Licomes Tenebro, 27 taong gulang, tubong-Maco Davao de Oro.

Lunes ng hapon nang salakayin ng mga otoridad ang computer shop na pinapasukan ng salarin.

Pinagbentahan ni Tenobro ang isang pulis na nagpanggap na magpapagawa ng pekeng dokumento sa halagang P500.

Nakumpiska sa lugar ang computer, scanner, at laminator na kasangkapan sa iligal na gawain.

Nakapiit ngayon ang suspek na kinasuhan ng falsification of public documents at paglabag sa Republic Act 11332 o Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.

Patuloy naman minamanmanan ng kinauukulan ang ibang establisyimento sa lungsod matapos makatanggap ng sumbong na namemeke din umano ito ng kaparehong dokumento.




Paalala din ng pulisya sa publiko, sila lamang ang bukod-tanging naglalabas ng travel authority.

Facebook Comments