Most Wanted Person na Dinakip sa Cagayan, Positibo sa COVID-19

19

Cauayan City, Isabela- Positibo sa Coronavirus Disease (COVID-19) ang itinuturing na Top 9 Most Wanted Person sa bayan ng Abulug, Cagayan na inaresto ng mga kasapi ng pulisya.


Sa nakalap na impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, inaresto nina PEMS Gerry Quizagan, PCMS Jomar Pamittan at PSSg Haris Ziganay sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong dalawang (2) beses na paglabag sa RA 9262 (Anti-Violence Against Women and their Children Act) ang akusado na kinilalang si Jayson Binua sa Brgy. Bagong Silangan, Quezon City.

Nang maidala sa himpilan ng PNP Abulug ang akusado ay dinala ito sa Rural Health Unit para isailalim sa medical at rapid test bilang bahagi ng protocol at nagpositibo ang resulta nito sa COVID-19.

Dahil dito agad na inisolate sa RHU ang akusado at isinailalim sa swab test hanggang sa dumating ang resulta na positibo ito sa Coronavirus.

Ipinasakamay na sa itinalagang COVID-19 hospital ang akusado sa Lalawigan ng Cagayan.

Maging ang mga pulis na umaresto sa akusado at mga nakasalamuha nito ay isinailalim na rin sa quarantine at kinuhanan ng swab test.

Facebook Comments