27 anyos nalalaki, nagbigti patay

25

Malay, Aklan-Wala ng buhay ang 27 anyos na lalaki ng matagpuan ng kanyang katrabaho sa kanilang boardinghouse na inuupahan sa Sitio Diniwid, Brgy Balabag, Boracay kahapon matapos magbigti.
Ayon sa imbestigasyon ng mga otoridad sinturon ang ginamit ng biktima sa pagpapatiwakal.
Sa pahayag naman ni Dennis Sarmiento, ka-boardmate at ka-trabaho ng biktima, umaga kahapon ng kanyang huling nakita ito habang nagkakape, ngunit gayon na lamang ang kanyang pagkagulat pagbalik niya ng tanghali na nakasabit na ang katawan nito gamit ang sinturon sa banyo.
Sa ngayon patuloy ang imbestigasyon ng mga kapulisan habang nakahimlay naman ang bangkay ng biktima sa Socion Funeral Homes sa Sambiray, Malay.
#TatakRMN
#DYKRkalibo

Facebook Comments