Mga bangko, credit at lending facilities, pinakiusapan ng isang Senador na huwag magtaas ng interes

1867

Umapela si Senator Christopher Bong Go sa mga pribado at government banks gayundin sa mga credit at lending facilities na huwag magtataas ng interest rates sa mga consumer at commercial loans ngayong nahaharap ang bansa sa matinding krisis dahil sa Covid-19.

Sinabi ni Go na sa halip ay mainam na gumawa ang mga ito ng flexible at convenient restructuring ng mga loans para mapagaan pa ang pasanin ng mga borrowers sa mga susunod na araw.


Binigyang diin ni Go na ngayong nahaharap tayo sa krisis ay kailangang magsakripisyo ang lahat para sa kapakanan ng nakakarami.

Dagdag ni Go, ito ang panahon na magtulungan ang gobyerno at private sector para malabanan ang COVID-19.

Facebook Comments