Nadagdagan ng higit 20 overseas Filipino workers (OFWs) ang tinamaan at nagpositibo sa COVID-19 ayon sa tala ng Department of Foreign Affairs.
Nito lang Hulyo 23 nang ianunsyo ng DFA na mayroon nang 9,192 kabuuang bilang ng mga Pilipino abroad ang tinamaan ng virus.
23 July 2020
Today, the DFA reports no new deaths among our nationals abroad due to COVID-19; 27 new confirmed COVID-19 cases; and 9 new recoveries recorded in Asia and the Pacific and Europe.
As we celebrate the birth of Apolinario Mabini today, (1/2) pic.twitter.com/flBj4ACggp
— DFA Philippines (@DFAPHL) July 23, 2020
Sa 3,167 pasyente sa ibang bansa na nagpapagamot, siyam ang naiulat na bagong nakarekober na may kabuuang 5,378.
Nanatili naman sa 647 ang bilang ng mga nasawing OFW dahil sa virus.
Ayon pa sa datos ng ahensya, 792 ang naitalang kaso mula sa Asia at Pacific region habang 167 naman ang patuloy na sumasailalim sa gamutan.
Nakarekober at gumaling naman ang 619 pasyente samantalang anim ang nasawi.
Samantala, naiulat na mayroon ng higit 6,000 kaso ng COVID-19 sa Middle East at Africa.
Mayroon ng 3,850 na gumaling at 375 naman ang lahat ng namatay.
Sa America, may kabuuang 701 nang kaso at 120 ang narekord na nagpapagamot.
Umabot na sa 410 ang nakarekober habang 171 ang naiulat na nasawi.
Mayroon namang kabuuang 1,089 kaso ng COVID-19 nsa Europe, 495 pasyente, 499 ang nakarekober at 95 ang nasawi.