27 bangkay na narekober sa Marawi, inilibing na

Manila, Philippines – Inilibing na ang 27 hindi pa nakikilalang labi kabilang ang anim na miyembro ng grupong ISIS-Maute sa isang pampublikong sementeryo sa Marawi City.

Ayon kay Tong Pacasum ng Lanao del Sur Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), inilibing ang mga bangkay sa makbarah public cemetery sa barangay papandayan matapos makumpleto ang post-mortem examination.

Kabilang ang mga labi sa mga narekober sa unang bahagi pa lamang bakbakan na nagsimula noong huling linggo ng Mayo.


Pawang mga na-aagnas na anya ang mga inilibing na bangkay na narekober ng kanilang retrieval team.

Facebook Comments