27 CURFEW VIOLATORS SA DAGUPAN CITY, PINAGHUHULI

DAGUPAN CITY, PANGASINAN – Aabot sa 27 indibidwal na lumabag sa curfew hours ang hinuli ng Dagupan City Police Station, Market Marshalls at ng Public Order and Safety.

Dinala ang mga nahuli sa City Plaza kung saan nakinig ang mga ito sa lecture ukol sa ipinatutupad na alituntunin.

Binigyan din ng warning ang mga ito sakali mang mahuling lumabag muli sa curfew hours.
Matatandaan na sa inilabas na Executive Order No.26 ang curfew hours ay ipinatutupad mula 9:00 ng gabi hanggang 4: 00 ng umaga upang makontrol ang pagkalat ng COVID-19 cases sa lungsod.


Sa kasalukuyan nasa 300 na ang aktibong kaso ng COVID-19 s Dagupan City.

Facebook Comments