Nakapagtala ang Bureau of Fire Protection (BFP) ng dalawaput pito na sunog sa naging pagsalubong sa 2019.
Ayon kay BFP spokesperson Joanne Vallejo, mula sa nasabing bilang, sampu ang naitala sa National Capital Region (NCR).
Naitala ang mga sunog sa Pasig, Parañaque, Caloocan, Navotas at Maynila.
Ang naturang mga sunog ay naitala mula December 31 hanggang sa madaling araw ng January 1, 2019.
Nakapagtala ng apat na sunog sa Region 3 at Region 4A habang ay iba ay naitala sa Region 6,7,2 at 4B.
Pero ayon kay Vallejo, ang mga nangyaring sunog ay walang kaugnayan sa paputok kundi hinihinalang nag-ugat sa faulty electrical wiring.
Wala namang naiulat na nasawi o nasugatan sa mga nangyaring sunog.
Kung ihahambing sa nakalipas na dalawang taon, masyadong mababa ang mga naitalang sunog sa naging pagsalubong sa Bagong Taon.