Nagtapos na sa DigitaljobsPH Technical Training Program Ang 27 mga iskolar sa San Fernando City, La Union.
Sa bilang ng mga nagtapos sa programa ay kinilala ang 18 scholars bilang outstanding trainees.
Ang digitaljobsPH Program ay isinagawa katuwang ang Department of Information and Communication Technology. Ang mga benepisyaryo nito ay nagtapos ng 12-araw na Pangkalahatang Virtual Assistance Course.
Sa programang ito ng DICT, nakatanggap ang LGU San Fernando City ng parangal at pagkilala mula sa ahensya bilang tanda ng matagumpay na pakikipagtulungan sa DICT sa suporta ng digitaljobsPH Program.
Umaasa naman ang mga opisyal ng ahensya na gagamitin ng mga iskolar Ang nakuha nilang bagong kasanayan sa teknolohiya ng impormasyon at komunikasyon upang iangat ang kanilang mga sarili at kanilang mga pamilya. |ifmnews
Facebook Comments