27 kandidato na kabilang sa narco-list nanalo sa nakalipas na halalan ayon sa PNP

Kinumpirma ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde na 27 kandidato na nanalo sa nakalipas na eleksyon ang kabilang sa narco-list.

 

Batay sa kanilang intelligence monitoring 47 pulitiko ang kabilang sa narco-list, 37 dito ang tumakbo sa nakalipas na halalan at 27 naman ang nanalo.

 

Kasama sa mga nanalo ang ilang governor at mayor sa Luzon na kakilala pa mismo ni PNP Chief Albayalde.


 

Sa ngayon aniya, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng PNP para madagdagan  ang kanilang  ebidensya  laban sa mga ito

 

Pero nilinaw ng opisyal  na ang Department Of Interior And Local Government o DILG  ang hahawak sa kaso ng mga ito.

 

Sakali aniyang mapatunayan nila na sangkot sa iligal na droga ang mga kandidatong ito mamaharap ito sa kasong kriminal at administratibo.

Facebook Comments