Doktor, natagpuang patay sa loob ng CR sa NAIA

Photo courtesy of Juan-Ted website

Natagpuang patay ang isang doktor sa restroom sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, Pasay City, kahapon.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, bandang alas 8 ng umaga nang matagpuan ng isang building attendant ang walang buhay na si Dr. Richard Alexander PareƱas, opisyal sa Viga District Hospital sa San Vicente, Viga, Catanduanes.

Agad namang naitawag sa guard at medical team ang nangyari, ngunit patay na ito nang inabutan.


Inaalam pa ang dahilan ng pagkamatay ni PareƱas.

Facebook Comments