Wala pa ring nakakalap na matibay na ebidensya ang Philippine National Police (PNP) para patunayang may linked o sangkot sa transaksyon ng iligal na droga ang 27 pulitiko na kabilang sa narcolist ng Pangulong Rodrigo Duterte na nanalo pa sa nakalipas na halalan.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Colonel Bernard Banac, iginagalang ng PNP ang naging desisyon ng publiko sa pagkakahalal muli sa 27 pulitikong ito na nasa narcolist.
Pero patuloy aniyang kanilang ginagawang intelligence monitoring laban sa mga ito para matukoy kung talagang sangkot sila sa transaksyon ng iligal na droga at para masampahan na rin ng kasong kriminal.
Aniya una nang sinampahan ng kasong administratibo ng DILG sa Office of the Ombudsman ang 47 mga pulitikong ito na kabilang sa narcolist ng Pangulo.
Kabilang sa 47 pulitikong ito, ang 27 pulitiko na nanalo sa nakalipas na eleksyon.