Review sa business pledges at agreement sa pagitan ng Japan at Pilipinas, mapag-uusapan sa gagawing roundtable meeting sa Japan

Magkakaroon ng business roundtable meeting si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kanyang huling araw sa Japan o sa December 18.

Ayon kay Office of ASEAN Affairs Asec. Daniel Espiritu, gagawin ang business roundtable meeting alas-1:20 ng hapon sa December 18.

Sinabi ni Espirito, mapag-uusapan dito ang pag-review sa mga una nang business pledges sa japanese business leaders.


Malalaman aniya sa pagkakataong ito ang updates sa business pledges na ito.

Matatandaang noong buwan ng Pebrero ng taong kasalukuyang nang una nagsagawa ng state visit sa Japan ang pangulo kaya nagkaroon ng investment pledges sa Japan.

Ang pangulo ay tutungo sa Tokyo, Japan sa December 15 hanggang December 18 para dumalo sa 50th Japan – ASEAN commemorative summit.

Facebook Comments