27 PAMILYA SA INFANTA, NAGTAPOS NA SA 4PS

30

INFANTA, PANGASINAN – Nagtapos na sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang dalawampu’t pitong (27) pamilya sa bayan ng Infanta.

Kahapon, July 23, 2021 ay idinaos ang Graduation Ceremony ng mga benepisyaryo ng nasabing programa. Tumanggap ang mga ito ng certificate at token dito bilang tanda ng kanilang culminating.


Siniguro naman ng lokal na pamahalaan na magpapatuloy ang kanilang suporta para sa mga pamilyang ito kahit pa nagtapos na sila sa 4Ps.

Ayon sa LGU, maaari pa rin silang mag-avail ng mga programa ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan na rin ng Municipal Social Welfare and Development Office.

Nagpasalamat naman ang mga 4Ps graduates sa lahat ng naitulong sa kanila ng naturang programa.

Facebook Comments