Halos 7,000 bagong COVID recoveries, naitala ngayong araw ng DOH

39

Nakapagtala ngayong araw ang Department of Health (DOH) ng 6,778 na bagong gumaling sa bansa sa COVID-19.

6,216 naman ang bagong kaso at 241 ang bagong binawian ng buhay.


Sa ngayon, umaabot na ang total COVID cases sa bansa sa 1,543,281.

Ang aktibong kaso ay 54,401 habang ang total recoveries na ay 1,461,749.

Ang total deaths naman ay umaabot na sa 27,131.

Facebook Comments