27 pantalan, balik-operasyon na ayon sa NDRRMC

Operational nang muli ang 27 pantalan matapos magsuspinde ng mga biyahe dahil sa Bagyong Karding.

Sa datos mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mula ito sa 65 pantalan na nagtigil-operasyon sa kasagsagan ng masamang panahon.

Samantala, bumaba na sa 2,181 na ang bilang ng mga pasahero ng stranded sa mga pantalan sa CALABARZON, MIMAROPA at Bicol region.


Sa ngayon, hindi pa rin pinayagang maglayag ang 23 barko, 14 motorbanca at 231 rolling cargoes.

Una nang sinabi ni Defense Officer-in-Charge Senior Undersecretary Jose Faustino Jr., na unti-unti nang magbabalik sa normal ang byahe ng mga sasakyang pandagat sa mga lugar na naapektuhan ng bagyo kasabay ng patuloy pagganda ng panahon.

Facebook Comments