270 Tablets, Ibinigay sa mga Mag-aaral sa Dinapigue, Isabela

Cauayan City, Isabela- Namahagi ang pamahalaang panlalawigan ng Isabela ng 270 piraso ng tablet para sa mga mag-aaral sa tatlong paaralan sa bayan ng Dinapigue na kabilang sa apat na coastal towns ng probinsya ng Isabela.

Ang pamamahagi sa nasabing bilang ng gamit pang -edukasyon ay bahagi sa tugon ng provincial government ng Isabela sa mga mag-aaral sa probinsya upang makasabay sa bagong pamamaraang blended learning approach ng DepEd dahil sa COVID-19 pandemic.

Matatandaang nangako ang pamahalaang panlalawigan na susuportahan ang DepEd Isabela sa blended learning system upang maabot at maipagpatuloy pa rin ang pagtuturo sa mga mag-aaral sa Lalawigan.


Personal na ipinasakamay ang 270 tablets sa mga magulang ng mga mag-aaral na benepisyaryo nina Fourth District SP members Abegail Sable, ang Chair ng Provincial Committee on Education, SP Member Clifford Raspado, Dinapigue Mayor Reynaldo Derije at ng mga opisyal ng tatlong paaralan tulad ng Ayod Integrated School, Dinapigue Central School, at Dibulo Integrated School.

Samantala, namahagi naman ang Provincial Cooperative Development Office ng mga storage boxes para sa mga modules ng mga mag-aaral sa Dinapigue National High School.

Facebook Comments