Abot na sa 27, 518 na relief packs ang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development sa mga residente ng Ilocos Region na apektado ng bagyong Maring.
Sa nasabing bilang, 20, 018 dito ang ipinamahagi sa bayan ng Naguilian, Bagulin, Aringay, Sto. Tomas, Sudipen, San Juan, San Gabriel, Bacnotan, Bauang at Luna sa La Union.
7, 500 a relief packs din ang ipinamahagi sa mga taga Ilocos Sur na kinabibilang ng bayan ng Tagudin, Sta. Cruz, Sta. Lucia, Narvacan , Candon City, Vigan City at Sta. Maria.
Ang probinsya ng La Union ay nag request ng 55, 000 na augmentation ng relief packs dahil sa dami ng mga indibidwal dito na apektado ng pagbaha.
Patuloy namang isinasagawa ng kagawaran ang Rapid Disaster Assessment Needs Analysis upang madertimina ang lawak ng pinsala ng bagyo.