275 PAMILYANG SUMISIGAY SA BONUAN GUESET, DIREKTANG NATANGGAP ANG P5,000 AYUDA

Kabuuang 275 na pamilyang kabilang sa sektor ng mga sumisigay mula sa Barangay Bonuan Gueset ang tumanggap ng tig-₱5,000 na tulong pinansyal nitong Martes, Disyembre 23, bilang bahagi ng ayuda mula sa pambansang pamahalaan.

Ang tulong ay ipinagkaloob sa ilalim ng programa ng national government, bilang agarang tugon sa pinsalang idinulot ng Bagyong Uwan sa mga tahanan at kabuhayan ng mga benepisyaryo. Sa koordinasyon ng lokal na pamahalaan, mabilis na naiparating ang tulong upang agad na matulungan ang mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad.

Ayon sa mga opisyal, layunin ng naturang ayuda na magsilbing panimulang suporta para sa pagbangon ng mga biktima ng bagyo, lalo na sa mga sektor na labis na naapektuhan ng sakuna. Patuloy ang pamahalaan sa pagbibigay ng tulong upang matiyak na walang maiiwan sa proseso ng rehabilitasyon.

Ngayong buwan ng Disyembre, tuloy-tuloy ang isinasagawang operasyon ng lokal na pamahalaan sa paghahatid ng serbisyong may malasakit, alinsunod sa temang “Pamilya ang Puso ng Pasko” sa Dagupan—isang paalala na ang pagtutulungan at pagkakaisa ang tunay na diwa ng pagbangon at pag-asa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments