28 Abu Sayyaf, nasawi; 29 na iba pa, sumuko sa operasyon ng militar

Sa kabilang ng nararanasang COVID-19 pandemic, tuluy-tuloy ang operasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) laban sa teroristang Abu Sayyaf Group.

Sa katunayan, ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Captain Jonathan Zata, mula buwan ng January hanggang June 18, umabot sa 28 na mga Abu Sayyaf ang napatay sa kanilang mga operasyon, 29 naman ang sumuko at apat ang naaresto.

Nakuha ng militar sa mga namatay, naaresto at sumukong ASG ang 41 mga high-powered firearm, pitong Improvised Explosive Devices (IED) at pagkakakubkob ng militar sa kanilang walong kampo.


Sinabi ni Zata, isa sa mga naaresto ng militar ang ASG bomber na si Kahar Indama na sangkot sa pambobomba sa Batasan Complex noong taong 2007 na ikinasawi ng dalawang indibdiwal at pagkasugat ng pitong iba pa.

Tiniyak naman ni AFP Chief of Staff General Felimon Santos Jr. na hindi titigil ang AFP sa ginawagang all-out offensive laban sa Abu Sayyaf Group para mapanagot ang mga ito sa kanilang ginagawang pag-atake.

Facebook Comments