28-ANYOS NA BABAE, ARESTADO SA MANHUNT OPERATION

CAUAYAN CITY – Arestado ang isang 28-anyos na babae sa ikinasang manhunt operation ng kapulisan nitong ika-26 ng Oktubre sa Brgy. Minante 1, Cauayan City, Isabela.

Ang suspek ay kinilala bilang si alyas “Momo”, may asawa, at residente ng nabanggit na barangay.

Naaresto ang suspek sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Hon. Geronimo Ventura noong ika-27 ng Setyembre taong kasalukuyan, para sa kasong Attempted Homicide kung saan ay may inirekomendang piyansa ang korte na nagkakahalaga ng P36,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Dinala si alyas “Momo” sa himpilan ng Cauayan Component City PS para sa kinakailangang dokumentasyon bago ibalik sa korteng kanyang pinagmulan.

Ang pagkakaaresto ng suspek ay dahil sa pinagsanib na pwersa ng Cauayan Component City PS, PIDMU-IPPO, RID2-RPIOU, RIU2, RMU2, at 2nd IPMFC.

Facebook Comments