28 atleta na kinuha ng BOC, dinepensahan ng isang kongresista ang paglusot ng mga ito sa asunto sa isyu ng 6.4 billion na iligal na droga

Manila, Philippines – Dinepensahan ni House Deputy Speaker Raneo Abu ang 28 atleta na kinuha ng Bureau of Customs bilang mga intelligence consultants ng ahensya.

Giit ni Abu, labas sa pananagutan ang mga basketball at volleyball players na kinuha ang serbisyo.

Katuwiran ni Abu, kasalanan ito ng mga kumuha at nag-apruba ng kanilang employment, at sa nag-certify na pumapasok sila araw-araw at ginagawa ang kanilang trabaho gaya nang hinihingi ng Civil Service Commission.


Ito aniya ang dahilan kaya sa halip na ang mga atleta, ang Chief of Staff ni dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon na si Atty. Mandy Anderson ang inirekumenda niya sa DOJ na kasuhan ng multiple counts of falsification of public documents at usurpation of public authority.

Inamin mismo ni Anderson sa pagdinig ng Kamara na pinirmahan nito ang daily time records ng mga basketball at volleyball players pala palabasing araw-araw na nagrereport ang mga ito sa trabaho.

Lumabas na kinuha ang mga atleta sa pangunguna nina dating PBA superstars Kenneth Duremdes, Marlou Aquino at EJ Feihl, at Allysa Valdez para maglaro para sa team ng BOC pero ang kanilang mga posisyon sa ahensya ay technical assistants at intel agents.

Facebook Comments